this is my vanity | V0.4

Tuesday, November 21, 2006


moved to the-sassychique family

I moved. For the 3rd time. Pero this time, wala na ako sa Blogger. Salamat sa dalawang taon ko namahay sa Blogger. Mami-miss ko dito syempre. Dito ako natuto magkalikot ng html at gumawa ng sangkatutak na layout. Nakakilala ng mga bagong kaibigan.

Pakibisita na lang... Cher-ishable....

Labels:


chEr sribbled @ 1:40 PM
(0) comments

Saturday, November 18, 2006


sleepless

Its been a week and its been a week of sleepless nights.

I have this feeling that I've forgotten how to deal with pain. I've forgotten how to set aside the pain and just smile na lang.

I've had too many heartaches and failed relationships. This one's different. I know, lahat naman iba ibang klase rin ng case. Pero I'm telling you, when I say different, IBA talaga. Maybe because I fell in love, he fell in love but there's no commitment involved. We've done every couple could've done. Exchanging and non-stop I love you's, the sweet talks, communication, dates, hugging, kissing, etc. Commitment lang ang wala.

And ang naiiba pa, he's not my boyfriend but I'm so in love with him, at nasaktan ako sa nag-end na affair. Naghiwalay kame hindi dahil di kame magkasundo, hindi dahil nawala yung feelings, hindi dahil he/I met someone new, not because nawalan ng trust, at hindi rin katulad ng ibang hiwalayan issues. Naghiwalay kame dahil hindi pwede. Wala kaming future na pupuntahan. Gustuhin man namin magkasama or magsama for the rest of our lives, but we both know it's never gonna happen and its not possible.

Pero uulitin ko, alam ko mali ang pinasok ko/namin.

It's just sad to end something you really want to last. We had the right love at the wrong time.

And these past few days, I've done nothing but think of him and think of everything that had happen. At isuksok sa kukote ko na hindi talaga kame para sa isa't isa, that he really is for her.

But whats really making me sad is that I'm never gonna be able to share the feelings that I have for him. I can no longer make him smile and feel loved.

I know, tama naman kayong lahat, I'll get by. Malalampasan ko ito, and makakakita ako ng mas better sa kanya at SINGLE, yung akin lang. Pero, baket ganon... Sya lang ang gusto ko? I know, I know, lahat naman tayo sinasabi yan.. Sya lang gusto ko, di nako makakahanap ng katulad nya, etc...

Sa ilang beses ko na na-in love, at sa ilang beses nako nasaktan... Ito lang ang nawala saken na ayoko na palitan. Parang ayoko na kung hindi rin lang sya. Stubborn... Hehehe

I've been crying every night, morning... When I'm in the ofc and pag walang nakakakita saken, yuyuko na lang ako and iiyak, kahit nga nasa cr ako, napapaiyak pa rin ako. Tuwing naglalakad ako paikot ikot dito sa bahay. *sigh*

oOo

Anyway, alam nyo ba.. Hehehehe may ghost ata dito sa house.. Nyak.

May nakita kapatid ko and si mang Manny the other day. Hirap explain kung pano ang saan pero lahat kame kinalibutan. Sino naman kaya ang nagpakita...

Labels:


chEr sribbled @ 10:23 AM
(6) comments

Sunday, November 12, 2006


i love you, goodbye

Nagkita pa kame nung wednesday eh. Kumain sa Lugawan Republic ba yon sa Timog. Hinatid kase namin si ate Weng sa Marikina and nagkayayaan kumain don, matagal na kase sila nagpaparinig sa daddy ko. Sakto patapos na si Beb sa work nya, kaya niyaya ko sya magkita at kumain kasama sila daddy. Sinamahan pa nga nya kame hanggang Anonas kase di namin kabisado from Timog, sinundan lang namin sya.

Ang kulet pa namin non sa sasakyan nila daddy, kase sinusundan namin si Beb tapos tutok si dad sa kanya, sabi ko dahan dahan baka mabunggo nya. Tumawa naman daddy ko at di raw nya bubungguin, baket daw ba takot na takot ako.

oOo eto na oOo

Nung friday past 6pm ng mag-text sya na tapusin na, naguluhan ako. Hindi ko maintindihan biglang pakikipag-hiwalay nya. Sabi nya, medyo matagal na raw nya pinag-iisipan at alam naman naming mali. Nagi-guilty raw sya tuwing naiisip si wifey. Ako rin naman ah. Pero tama naman din desisyon nya. Gusto raw nya maibigay kay wifey yung love na binibigay nya sa aken.

Naiintindihan ko naman eh, alam ko rin diba na darating kame sa ganito. Truth is, last week pa nafi-feel ko pahiwalay na kame. I even made a text message for him ng thursday night, before ako matulog. I was sad kase that night.

So sabi ko na kahit ano pa mangyari in the next few days, tandaan nya that i love him.. etc.. etc... Basta, ang dating ng text ko, nararamdaman ko maghihiwalay kame. At sabi ko tatandaan nya na mahal ko sya at alam kong minahal nya ako. Pinag-iisipan ko kung ise-send ko na ba or sa ibang araw na. Hanggang nakatulog ako.

Sweet pa nga rin good morning text nya saken nung friday eh. Ok pa kame, hanggang hapon. Well, not super. May tampo pero alam mo yon, yung di naman big deal at alam naming konting text pa namin magkukulitan din kame in the end.

Habang he's taking a nap nung hapon, I texted him. Sabi ko di siguro kame magkikita that night kase hindi sya nagsasabi. Few days ago kase, sabi nya baka nga raw mag-relieve sya at syempre magkikita kame non. So nagtataka ako thursday pa wala sya sinasabi.

Pag-gising nya nag-text.. Kesyo gising na sya, at magre-ready na for work. Kamusta daw ako. Nag-reply pa ako ng malambing na "hi" at kinamusta ko tulog nya. At sinabing magsha-shower na raw muna sya.

Tapos, dito nagsimula. Sinagot nya yung text ko na di nga siguro kame magkikita.

Beb: I'm not relieving tonight eh
me: ah ok.
Beb: birthday kase ni J, I have to be home.
me: sige lang. alis na lang din ako. (kase nagyayaya sila dad mag-dinner kasama isang client)
Beb: Baket ka naiinis?

Mahaba na ang sagot ko at wag na natin i-elaborate. Basta parang sinabi ko na minsan lang tong chance na to para saken since wala si wifey at gusto ko lang sya kasama ng hindi nya ako minamadali.

After mga 15-20 mins, sumagot. Nag-sorry at dire-diretso na sinabi nya sa iisang message na he need to put a stop on this. Its not fair on me and wifey daw (which is true naman). "I think we should stope seeing each other beb..."

Yan ang dulo.. May sumunod pang "im sorry beb.. i should have done this a long time ago..."

Ouch I said, then I cried. Nahagis ko lang naman cellphone ko pagkabasa ko sa gulat. Good thing, sa hamper tumama at di nasira. Di pa naman ako nakatingin nung hinagis ko.

Okay, nararamdaman ko malapit na kame maghiwalay pero hindi sa ganong paraan. I thought katulad ng mga ginagawa namin before, mag-uusap kame. Tapos, gagawin naming topic yun tungkol samin. Hindi yun, maghihiwalay kame nag-start kase may tampuhan. Sobrang nabigla ako, and I'm telling you, gustong gusto ko sumigaw. Nanghina ako at di ko alam gagawin ko.

I texted my closest friends. Buti na lang na-text ko si Jem nung nalaman ko agad na di kame magkikita ni Beb. Punta raw sya kila Mhw, gusto ko raw ba sumama. Sabi ko, sige and nagyaya akong uminom.

When I told Jem about sa hiwalay namin ni Beb, she asked why. Sabi ko lang, magulo basta nangyari. Totoo lang, medyo naguluhan din naman ako nung una. Kahit sinabi nya dahilan, medyo di ko lang maintindihan sobrang biglaan. Kumbaga, ang saya pa namin last weekend, nagkukulitan pa kame sa text. Oh well, gusto ko na rin yon. Sa kanya nanggaling. Dahil kung ako ang hihintayin mo makipag-hiwalay sa kanya, matatagalan pa. Dahil sa sobrang saya ko sa kanya, di ko mai-give up.

Ibang saya nabigay nya saken. Ang hirap i-explain pero sa kanya ko lang naramdaman yon. Yun mga ngiting naibibigay nya saken kahit sa simpleng "hi" na text lang. Kaya ko sabihin naging masaya ako kay W, pero kay Beb sobrang saya ko. At iba talaga.. May ngiti eh, he makes me smile.

So text text pa rin, sorry nga raw. And papasok na sya, he'll text me raw when he's at work na, he has a lot to say daw.

Pero take note, may Beb pa rin sa mga messages nya, may i love you at may mwah. Weird no? Sana daw it wont affect our friendship in the future. I said oo naman, I'll always be his friend and always be here. Sobrang sanay na raw sya Beb tawag saken, and makakapag-text pa rin daw kame. I guess tipong at least may communication lang. For sure di naman yun text na maya't maya at puro sweet. Syempre din, ang pinaka-mawawala yun regular kita namin, everyday texting, everyday phone calls...

We end up okay kahit papano.

So, pagkasundo pala saken ni Jem ng 9, pumunta na kame kila Mhw kaso wala sya sa house. Kaya umuwi na lang kame at nag-stay sa house nya. Uminom na lang kaming dalawa. Ang sabi nya, kung ayaw ko raw ba kausapin si Beb at linawin lang. Sabi ko gusto ko. Kaya nung naalala ko rin may dvd's si Beb naiwan dito sa bahay, I texted him na may dvd's sya. He said oo nga pala, he'll come over daw ng saturday or sunday to get it. I said, bukas na lang (saturday) I want to see you and talk to you rin eh. Ok daw, meet daw kame after lunch.

Before kame ni Jem matapos uminom, she said wag na ako makipagkita at sumama na lang daw ako sa kanya sa Laguna, sleep over at Peewee's. Kase pag nakipag-kita raw ako, baka daw bawiin lang ni Beb sinabi nya. Magsisinungaling lang daw uli sya at baka sumakay daw ako. I said gusto ko lang talaga sya makausap at di na rin ako babalik sa kanya.

Pero, nakipag-kita ako kahapon kay Beb. Nag-usap kame, at ok na kame. Not ok na katulad ng iniisip ni Jem. Ok na kame na hiwalay. Of course, we're friends.

Nung una, di namin alam pano kame mag-uusap. Nagkita muna kame sa ABS around 4pm, then kumain at Snackaroo. Pagsakay ko sa bike nya, he said humawak ako sa waist nya, kase sa shoulder ako humawak. Parang nailang ako bigla eh. And then, maya maya sabi ba naman "i-hug mo ako" I asked why "gusto ko lang", hi-nug ko sya pero not tight. Ay, eto pa pagka-meet namin sa may Mini stop, he kissed me. Anlabo.

Anyway, after eating we talked. Di nga alam pano magsisimula. He asked me ano iniisip ko, I said wala as of the moment. He hugged me and said "you know that I love you, right?" I nodded.

After few seconds of silcence, I finally said what happened? He explained. That while wifey's away, she calls every night. And every weekend na iniisip nya ako, nagi-guilty sya coz sila ang magkasama. When he thinks of me pag weekend, naiisip nya kung gano nya ako nami-miss.

Halos hindi ako nagsalita. Nakayuko lang ako, nagtatagong umiiyak. Pagkahila nya ng chin ko, he stared at me, and parang umiling na wag akong umiyak. Whispered dont. Gusto ko tumakbo sa bathroom para humagulgol, pero niyakap ko na lang sya.

After couple of hours, o diba siguro mga 4 hours din kame nag-usap. Pero parang wala namang napag-usapan talaga. Ewan. We went back to ABS, sabi ko gusto ko mag-Starbucks, coz I need to get the promo card na at miss ko na ang toffee nut. At kailangan ko pa-change para may pamasahe ako.

Pag-apak ng stairs sa may ELJ bldg, I said shocks, last ko na palang punta to dito hehehe he said no its not. We had coffee, sat there for 30mins or so. And I said, eto na lang kitang makikita and its sad. Napa-smile sya ng parang fake na gustong sabihin ayoko rin. Nakita ko rin naman na-sad sya. Sabi pa pala nya sa text nya nung friday na he hates himself for doing it, pero kailangan.

Pinasakay nya ako ng taxi sa may Mini Stop, gusto ko pa sana sya i-hug uli, kaso lumapit na sya sa may door ng cab. Ayaw na rin naman siguro nya ng madrama pa divah. He kissed me goodbye and closed the door.

Maiyak iyak ako sa cab, kaso si manong kausap ng kausap saken, dami tanong. Di ako maka-emote. Hehehe

So, I texted him... Ingatan mo relationship mo with ... (wifey's name) , and she better take care of you. Kase if she doesnt, kukunin kita. I so envy her for having you.. And she's so lucky... Sa totoo lang, I really find her lucky, kahit pa na ayan nambabae si Beb. Lucky sya for me, kase sobrang sweet ni Beb, at nasa kanya yung lalaking tama para saken.

Gustong gusto ko ipaglaban feelings ko para sa kanya, at sya. Kaso, wala akong karapatan at alam kong di ako mananalo. Kasal sila, sino naman ako.

Labels: , ,


chEr sribbled @ 11:07 AM
(15) comments

Friday, November 10, 2006


its over

Beb just said goodbye.

Tangna. Ang saket.

Labels: ,


chEr sribbled @ 6:25 PM
(7) comments



paglipat

Lilipat na naman ako.. Soon!

Aalis na po ako sa Blogger/Blogspot.

Nag-aaral lang ako gumamit ng Wordpress at FTP. Wish ko lang, di sya nakakaloka :)

Hintay nyo na lang din....

oOo so oOo

Anone? Kamusta na ba? Ewan ko. Hehehehe

Basta yon.

Happy weekend na lang sa lahat.... :)

Labels:


chEr sribbled @ 1:19 PM
(0) comments

Monday, November 06, 2006


QT ng weekend

Magkasama kame ng mahal ko ng sabado at linggo. Syempre masaya na naman ako :)

Nagkita kame nung gabi ng pre-birthday celeb ni Jhem ng friday night. Tapos nagpunta sya sya dito ng saturday and sunday.

Sabado, nagkita kame sa McDo kingswood at nag-meryenda. Sumunod si Peewee at nagpunta kame sa Shopwise. Tamang kulitan don. I'm glad, ok sila. Nagluto si Peewee ng di pa namin alam kung ano ang tawag, basta imbento. Hindi natuloy ang beef stroganoff at ice cream cake na plano ko. Kase ewan ko ba. Harhar

Ending, si Beb lang halos nanood ng Tokyo Drift kase sinamahan ko si Peewee sa kusina at tumulong ako syempre. Baket kaya di ko naisipan kuhaan ng picture ang kaartehang ginawa namin sa dinner namin. Sakto pagdating ni Jem, mag-start na kame kumain. Di nya nagustuhan kase di mahilig sa beef at onion.

Pagtapos, nanood sila ng PDA habang inaayos ko ang music room. At kumanta kame sandali. Hanggang nagkayayaan nang umuwi. Bitin, pero masaya. Iinom pa sana kame, pero si Beb ayaw na rin dahil nga uuwi na sya.

Linggo, dumating si Beb dito ng 10ish at sabay kami nag-almusal. Gumawa ako ng toasted bread with butter and strawberry jam at may kape pa ako. Nanood kame ng Pirates of the Caribbean 2 ni Beb, kasama si Jemjem. Tawa kame ng tawa kase ang kulet ng movie.

Hanggang nagtawag na sila dad to eat lunch. At kinulit ng konti si Beb. Tinuloy ang movie... At konting lipat lipat hanap ng magandang palabas. Later on, nanood na kame ng Superman Returns. Pero si Beb, nakatulog. So bumili muna ako ng ice cream at gumawa ng sandwich ni Beb. Bacon and egg, nabusog sya. Hehehe

Tapos ng Superman, pinanood ng konti yun Arthur sa Star Movies at maya maya pa, umuwi na si Beb, around 9.

Masaya ako na kasama ko sya. Sana marami pa ang weekends na ganito kaming dalawa.

Labels:


chEr sribbled @ 11:43 PM
(4) comments

Saturday, November 04, 2006


jem's pre-birthday night out

Lumabas ako kagabi, kasama mga kaibigan.

Nagpa-inom si Nhea para sa pinsang si Jem.. Birthday gift nya kay Jem. Ayon, punta kame Malate.. 8pm pa lang, andon na kame. Habulin daw ang happy hour.. Hehehehe kaya pala ang aga mag-aya. Ang aga ko tuloy nagpaalam sa opisina.

Tapos, pumunta na ako kila Jem ng past 7, at hinintay si Mhw. Yosi sandali, at dumating na si Mhw, nagbihis at lumarga na kame. Nagpunta ng Malate, first time ko sa bar na to, Abas ang name and may live band. Ok naman yun bar, cute sya. Naalala ko tuloy ang Coco Aroma (sa Galera), hawig eh. Hehehe

Andon na si Nhea at dalawang co-workers nya. Umiinom na. Hala bago mag-9pm, naka tatlong bucket agad kame. Talagang hinabol ang happy hour at parang nagpapakalasing kaagad, hehehe

Si Peewee, sumunod lang. Sinurpresa si Jem. Biglaan lang din, ayaw naman din talaga sana lumabas ni Peewee. Ewan ko ano nangyari at sumunod na lang sya. Ang alam ni Jem, ngayong saturday pa punta sa kanila. So ayon, kakatuwa tuloy.

Sumunod din si Paul (ex ni Jem).. Ewan ko baket sumunod, alam ko nag-text lang kay Jem, next thing I know, papunta na sya. Buti wala lang din kay Feo. Tapos, si Beb dumating din, pero pauwi na kame. Humabol lang sya after ng taping nya. Dito na sana sya sa house punta kaso, don na raw sabi ni Jem.


Sa totoo lang, may something pa kame ni Beb kahapon, kaya malungkot din ako. Pilit mga ngiti... Hanggang, inayos na rin namin. Takot ako sa mga muntik mangyari samin. Akala ko di ko na uli sya makikita.

Nakakatuwa rin naman yun paglabas namin. Masaya... At sabi namin, lalasingin namin si Issa, dalaga na eh. Hehehe slight nangyari naman. Hehehe naka-4 or 5 bottles din ata sya.

Tapos nagyayabang din na hindi raw sya lasing. Hehehe ok payn...

Pero eto itsura nya bago kame umuwi. Hehehe di naman din mukhang may amats eh no? Hehehe pero asar talo samin nung nasa sasakyan na kame. Sabi namin iiwan namin sya sa kalsada pag nasuka sya. Bigyan na lang ng pamasahe.. HAHAHAHA mga gago rin kame, si Beb tawa tuloy ng tawa samin.
Ang aga rin namin umuwi, 2am, pauwi na kame at naghatid na. Aga rin kase nag-start at si Tita nagte-text na kay Jem pinapauwi na. Kase ang paalam pala ni Jem kay Tita may dinner lang kame kaya pinayagan dalahin ang sasakyan, di alam mag-inuman hehehe
At tamang may amats na rin si atty eh. Sabi nga namin punta na rin kame sa Providence para kantahan pa. Oh well...
Beb stayed here til 6, nakatulog lang naman kame pareho. Hehehe pero sa totoo lang, ang sarap ng feeling pag katabi ko sya natutulog. So ayon, hinihintay ko lang din sya ngayon dito, kase ipagluluto ko sya ng dinner mamaya at manonood kame ng DVD's.
Pictures @ jem pre-birthday celeb album...

Labels: ,


chEr sribbled @ 1:52 PM
(2) comments

Thursday, November 02, 2006


been tagged: 9 weird things

Meron nga bang weird saken? Ewan ko. Parang normal lang kase pagiging weird ko. =D

Been tagged by Shona.

Ok, eto po ang siyam na sa tingin ko e ka-wirduhan ko na....


#1. Water girl - Sobrang lakas ko lang naman uminom ng tubig. Kaya ko makaubos ng 2 gallons sa isang araw. At dalawang beses nire-replenish mga bote ko. At meron akong katorseng bote ng tubig sa ref ko. Well, di ko kaya ilagay lahat yan kase maliit lang naman ref ko. Pero dalawang beses yan sa loob ng bente kwatro oras nilalagyan. At kaya ko uminom ng isang litrong tubig sa isang inuman lang. As in, isang diretsong inuman. Lalo na pag galing ako sa labas at umuwing uhaw, ang isang punong bote ko ng tubig, diretso ko kayang inumin yon. Tsaka, di ako kuntento pag di malamig ang tubig ko.

#2. Ipis at gagamba phobia - Siyet, sobrang takot ako sa dalawang yan. Pag nanonood ako ng tv at bigla ako nakakita ng ipis, putek iiwanan ko yun tv at tatakbo na ako. Or mapapasigaw ako sa takot.. Pag nagta-tapang tapangan na patayin, kailangan may tsinelas ang magkabilang kamay ko. At ihahagis ko sa suspek. Hehe di ko kayang lumapit sa sobrang takot ko. Or pag gagamba naman, lalo na yung malaki, asahan mo tatakbo na ako. Or pag tapang tapangan uli, kukuha ako ng isang tasang mainit na tubig at tatapunan ko yun gagamba. Hehe

#3. Tags, receipt, ticket and the like keeper - Mahilig akong magtago ng mga tags, at kung ano ano pa. Lalo na pag mga tipong may sentimental value saken. Ewan ko ba baket hindi ko maitapon, may box nga ako na puro tags at resibo lang e. Minsan nga, pati yun lounge sa may Rustan's, tinago ko yun ticket ng cr dahil lang kasama ko si X nung araw na yon at dahil first time ko pumasok don. Ayan, basta memorable lahat itatago ko yan. Kahit burado na mga resibo pag nakikita ko ngayon, ayan nakatago. Meron pa nga, nilagay ko sa scrapbook ko lahat ng mga tickets na mga unang date namin ni ex-W.

#4. Kutkot - Ewan ko ano ba pwede itawag? Hindi ko tinatantanan mga daliri ko, paa at kamay sa pagkulikot. Di ata dadaan isang araw na hindi ko kinutkot ang kuko/balat sa mga daliri ko. Ang saket na minsan ha. Kakapiko na rin pero di ko talaga sya matigilan.

#5. Linis tenga freak - Hehehe eto pinagsabihan nako ng doctor before. Bawasan ang paglinis ng tenga. Hehehehe walanghiya. Araw araw, hindi ko rin tinitigilan ang tenga ko ng kakalinis. Nanggi-gigil ako pag di ko nalinis yan. Ang sabi ng doctor, masama daw dahil wala nang wax ang tenga ko. Bingi na nga ako noh. Hehehehe di naman literal na binge, madalas lang talaga mali ang naririnig ko or sobra ang naririnig ko. Anlabo. Siguro dalawa hanggang tatlong beses ko nililinis yan at tuwang tuwa ako. =P

#6. Daldalera - Sobra. Di ako tumitigil ata magsalita. Mag-monologue ata ang isang di ko makakalimutan sa isang araw. Hindi ko na maintindihan. Madalas na ako pinagtatawanan mga friends ko at ng pamilya ko kase di raw ako tumitigil magsalita. Hehehehe anong magagawa ko? Kailangan ko magsalita eh. Hehehe

#7. Movie/tv series rewind - Hay naku. Before, meron akong pinapanood na movie paulit ulit. Kailangan sa loob ng isang buwan, panoorin ko sya. Naiinis na nga daddy at ate ko saken kase napanood ko na, uulitin ko na naman. Gustong gusto ko lang na lagi ko napapanood mga paborito ko. Kahit kabisado ko na halos lahat ng lines. Kahit nakatalikod ako, alam ko na nangyayari at kung anong scene yon pati lines. Ewan ko ba, pero ganon talaga. Like kunyari sa HBO or AXN etc.. Kapapalabas lang kagabi or kanina, panonoorin ko uli ang replay mamaya or kinabukasan. At gusto ko naumpisahan ko uli. Hehehe

#8. Pihikan - I know marami naman satin ang pihikan sa food. Pero moody pagiging pihikan ko. Sometimes kakain ako ng food na ayaw ko naman kainin. Or minsan ayaw ko bigla kainin ang gusto kong pagkain. Merong pagkain na kakainin ko depende sa luto.

#9. Ewan ko kung ano tawag.. Pero di ako mahilig magtapon ng mga gamit na di ko na kailangan or di magagamit. Hirap akong i-let go mga gamit ko. Kahit maipon na sya sa kwarto ko at magpakalat kalat na lang sila pero di ko makuhang itapon. Tatago ko lang sila, at gusto ko andito lang. Ewan ko ba.

Ayon lang naman..

Labels: ,


chEr sribbled @ 9:18 PM
(6) comments

THE VAIN.

cher

cher

Beb & moi

www.flickr.com
This is a Flickr badge showing public photos from crazysexybeautiful. Make your own badge here.
cher
28... capricorn girl... 122377...
romantic and passionate... talkative... sweet... fun... VAIN... optimist na pessimist... maKULET... moody... sensitive... fussy... gullible... introvert... naughty... tactless...

I LOVE

my mobile.
cooper [my ipod].
trevor [my camera].
my pc.
my BEB.
dolphins.
purple.
the beach.
sunset.
my friends.
ice cream.
steak.

ARGH.

creepy creatures.
joey de leon.
pretentious peeps.



CALENDAR.

July 2007
S M T W T F S
curt bday 2 3 4 5 6 janie bday
8 9 10 raul bday 12 13 14
15 16 abu bday 18 19 20 21
22 23 24 25 26 27 QR with Beb
29 30 31


WISHLIST.

rashguard.
pink PSP.
2nd gen ipod nano or ipod video.


LINKS.

BEYBIKULET [Anything Goes]
KU7ET [CHER-ishable]
BEYBICHER [My Vanity]

ABBY [Abby's Journal]
ANNA [This time I'll be sweeter]
CHILL [Royal Grumble]
DYANNE [There's gotta be more to life than...]
GIO [The weed]
JANIE [A proud of momma's chronicle...]
JAR [Perfectly tarnished]
KRAMER [Here is a star studded sky]
KUX [Kux]
LEIRA [Mushings]
LIEZL [MommyBa's Journey]
MARKIE [Markie's Journal]
REGGIE [Regagainsthemachine]
SHONA [Shonabebe... Flipside]
TEEPSEE [This is my truth, tell me yours...]

24 [This humble endeavor yields an ineviteble ecstasy]
AMGINE [The sanctuary of the Enigmatic Goddess]
CJOY [Glimmeringgirl]
FRANZ [Never say never...]
HANAGIRL [This is my utopia]
HANYNANY [oOoMuahoOo]
ISHIE [The vulnerable coffee addict bratinellah]
JOYCE [My charmed life]
KAI [Eskaipades]
RESPI [Stoicsoul]
RUSS [Gracie]
SHAI [The Sassy Chique]
TIN [Life's a beach...]
TREZE [Free to be me]
YAX [My journey to motherhood]
YAXCDOODLES [The newlywed scribbles]
YEN [Understanding Yen]

ACEY [Tralalalala]
ELLE [My room: Elle's turf]
HONNEY [Just me and my thoughts]
JAZ [ALl that jazz]
JHENSKIE [Looking for my wings so that i can fly again]
JOTJOT [Details of Mediocre]
MARHGIL [Ituloy angsulong]
RALPHT [Kadramahan. Kalokohan. Kakulitan.]
RICHARD [Pulse Circle]
SHADOWLANE [Here I am... This is me]



TAG.





CURRENTLY.

senti.. cryola...
san mig light
nothing
f*king sad
bedroom
magic 89.9
01:47 // 11-NOV-06
no one
nothing
tank top and boxers
kinda hot
bawiin ni beb ang sinabi nya

watch
SMALLVILLE SEASON 1-5
Image and video hosting by TinyPic

music
kami nAPO muna
Image and video hosting by TinyPic

desktop
Image and video hosting by TinyPic


ETC.



my multiply
myspace




*HUGS* TOTAL!
gimme hUg
Get hugs of your own

lurker
counter hits
Books and Magazines


The WeatherPixie

Click here to join rx-talk
Click to join rx-talk

Click here to join BloggerMania
Click to join BloggerMania


THANKS(:

Hosted by Blogspot
Powered by: Blogger
Edited By: chEr
Skin From: Blogskins
Button From: Ceejoy
Tagboard From: Cbox
Calendar: so-youNet
Image hosting:Photobucket & Tinypic

1 2 3

OUR MEMORIES.

July 2006
August 2006
September 2006
October 2006
November 2006

COPYRIGHT.

Copyright © 2006-2007
htt://cher-ishable.blogspot.com
All Rights Reserved.