this is my vanity | V0.4

Wednesday, November 01, 2006


kapagod

*sigh* maloloka naman aketch.

Umalis katulong namin nung lunes, umuwi Pangasinan.. Madrasta ko umalis din nung linggo. Tao sa kusina... ako... Tamang asikaso sa buong bahay, tapos may trabaho ka pa. Ang saya saya davah?

Sobrang na-stress nako since monday. And ngayon ko lang naranasan yung ganitong pagod. Ang hirap mag-isip ng ipapakain sa mga kasama ko dito sa bahay ha.

Halos ang ikli ng oras ko sa opis, kase pagpasok ko konting trabaho tapos bababa na ako para mag-prepare ng tanghalian. Maghahain, magpapakain, magliligpit at babalik sa opis. Tapos may magpapa-load, kakataranta pa pag di agad pumasok ang load nila, panay reklamo.

Tapos, sa hapon... ayon, prepare uli ng dinner, luto, hugas... Waaahhhh... Brenda bumalik ka na...

oOo Undas oOo

Ngayong araw na to, hindi kame nagpunta sa memorial park. Actually, hindi talaga kame pumupunta pag November 1. Madalas, Nov. 3 or 4 na. Ayaw namin makisabay sa dami ng tao. Isa pa, importante lang din naman para samin yun naalala namin sila. At makakabisita pa rin naman kame. Mas madalas lang din, pag anniversary kame pumupunta. Kapagod din naman kase pag nakipagsabayan ka sa dami ng tao.

Pag-gising ko kaninang umaga, gusto ko uli matulog. Sabi ko sa sarili ko, walang pasok, late ako gigising. Pero sunod sunod na ang katok sa kwarto ko dahil sa mga nagpapa-load. Bumangon na lang din ako at nag-isip ng ulam. Gusto ni lola gulay. Punta sana ako sa palengke, kaso nga di ako marunong mamili. Since nandito ang pinsan ko na marunong mamalengke, sya pinapunta ko. At upo lang din pala ang ending.. hehehe

Sabi ni lola, sya na magluluto. So iniwan ko sya sa kusina, pero tumulong muna ako. At maglilinis na sana ako ng kwarto ko. Tumawag naman si ate, ok na uli yun Vonage namin. Kwentuhan sandali, naputol kase mag-dinner daw muna sila ng asawa nya at ng father-in-law nya, bakasyon sa kanila for 3 weeks eh.

E tanghali na rin, so diba hain na at nagtawag. Syempre diretso hanggang ligpit at hugas na. Sumunod, naglinis na ako ng room. Ginamit ko uli ang bagong vacuum namin na satisfied ako sa pag-gamit at sa pagkabili ng tatay ko. May water ek ek sya. And parang air cleaner or something na rin sya. Kakatuwa, ang bango ng kwarto ko pagtapos. At halos, alikabok free sya...

Pagtapos, gumawa na naman ng spaghetti para may meryenda kame. Di pa tapos sa meryenda, pine-prare ko na ang dinner namin. Pork steak.. nagpaturo ako kay Peewee. Btw, monday pala isda ang ulam namin at corned beef kase nakalimutan ko nga wala si Brenda kaya 11 na ako bumaba. Di na aabot pag nagbaba pa ako sa freezer. Naisip ko, paborito naman ni dad ang corned beef kaya yon ang niluto ko. Tapos dinner, chicken barbique ako at tumulong naman ang kapatid ko at si Jemjem. Brown-out pa dito nung lunes maghapon.

Martes, naglaga ako ng baka nung tanghali na inabot ako 2 hours sa pag-gawa. Napakain ko sila past 1 na. Kase di ko makita yung nilalagay nila para sa pressure cooker, kaya ang tagal ko nagpalambot ng beef. Eh, tinanghali uli ako mag-prepare kase kausap ko si ate tapos slight nakalimutan ko uli na wala si Brenda dito. 11 na uli nung naisip ko kailangan ko magluto ng tanghalian... Kawawa naman mga tao dito.

Dinner, yun tirang nilagang baka and nag-prito kame ng isda. Di bagay no? Hehe gusto ni lola yun isda kase. And wala akong maisip din na ulam kase sobrang pagod na ako. Past 3 na ako natapos kahapon magligpit at maghugas. Dumating pa yun gagawa ng phone namin, na di naman ginawa ang line namin at kinuha pa nya screw driver namin. Bwiset na mga contractors ng PLDT yan. Dumaan na rin dito mga yan nung september at di binalikan phone namin. Ang ingay ingay ng line, tapos nung weekend natuluyan na at nawalan kame ng dial tone.

At kanina nga, ayon upo... At ngayong gabi, pork steak. Bukas, gusto ko sana gumawa ng pork terriyaki, tinuruan ako ni Jhem. Bahala na. At sa weekend, gusto ko gumawa ng beef stroganoff kase pupunta si Beb dito.

So eto, gusto ko sana i-pamper sarili ko. Parang gusto ko yata magpamasahe, magpa-foot spa, at magliwaliw. Kaloka... Di ko na kaya.. hehehehe

Pero sa totoo lang, medyo na-miss ko rin ang mag-kusina. Nung pagka-graduate ko ng high school, nagpaturo na ako magluto non. Kaya buong college days ko, ako nagluluto dito sa bahay. Ang hirap din kaya non. Lalo na pag may gimik ako, malakas lang loob ko gumimik non pero kailangan makapag-luto na akong ng pang-dinner nila bago ako umalis. Tapos, ayon nagkaron na kame ng helper dito sa bahay at tumira na nga si madi dito samin kaya di na ako ang taga-luto. Minsanan na lang, pero pag christmas season, yan ako uli kase uwian na naman sila ng probinsya. Pero ngayon lang itong, habang ta-trabaho ka, mag-aasikaso pa sa bahay. At ikaw gagawa lahat.

Buti na lang, nandyan si Beb.

Labels:


chEr sribbled @ 10:37 PM

Comments:
ate, seryoso nagutom talaga ako sa entry mo..nakakamiss kasi ganyang pagkain eh..dito bihira or sa dinner lang kami nakakakain ng mga ganyang food..onga pala, masarap ang stroganoff sa rosti or baked potatoes instead of rice :) pramis hehe kaso mga pinoy kasi rice ppl eh dba saka rice ata talaga kapartner ng stroganoff hehe..pero ayun suggestion lang :D
 
gusto ko man baked potato or mashed potato i-partner.. syempre mga tao dito sa bahay, di feel yon. unless mga pakakainin mo kaya di mag-rice...

ita-try ko talaga this saturday yang stroganoff pag pumunta si mahal.. :)
 
Post a Comment

THE VAIN.

cher

cher

Beb & moi

www.flickr.com
This is a Flickr badge showing public photos from crazysexybeautiful. Make your own badge here.
cher
28... capricorn girl... 122377...
romantic and passionate... talkative... sweet... fun... VAIN... optimist na pessimist... maKULET... moody... sensitive... fussy... gullible... introvert... naughty... tactless...

I LOVE

my mobile.
cooper [my ipod].
trevor [my camera].
my pc.
my BEB.
dolphins.
purple.
the beach.
sunset.
my friends.
ice cream.
steak.

ARGH.

creepy creatures.
joey de leon.
pretentious peeps.



CALENDAR.

July 2007
S M T W T F S
curt bday 2 3 4 5 6 janie bday
8 9 10 raul bday 12 13 14
15 16 abu bday 18 19 20 21
22 23 24 25 26 27 QR with Beb
29 30 31


WISHLIST.

rashguard.
pink PSP.
2nd gen ipod nano or ipod video.


LINKS.

BEYBIKULET [Anything Goes]
KU7ET [CHER-ishable]
BEYBICHER [My Vanity]

ABBY [Abby's Journal]
ANNA [This time I'll be sweeter]
CHILL [Royal Grumble]
DYANNE [There's gotta be more to life than...]
GIO [The weed]
JANIE [A proud of momma's chronicle...]
JAR [Perfectly tarnished]
KRAMER [Here is a star studded sky]
KUX [Kux]
LEIRA [Mushings]
LIEZL [MommyBa's Journey]
MARKIE [Markie's Journal]
REGGIE [Regagainsthemachine]
SHONA [Shonabebe... Flipside]
TEEPSEE [This is my truth, tell me yours...]

24 [This humble endeavor yields an ineviteble ecstasy]
AMGINE [The sanctuary of the Enigmatic Goddess]
CJOY [Glimmeringgirl]
FRANZ [Never say never...]
HANAGIRL [This is my utopia]
HANYNANY [oOoMuahoOo]
ISHIE [The vulnerable coffee addict bratinellah]
JOYCE [My charmed life]
KAI [Eskaipades]
RESPI [Stoicsoul]
RUSS [Gracie]
SHAI [The Sassy Chique]
TIN [Life's a beach...]
TREZE [Free to be me]
YAX [My journey to motherhood]
YAXCDOODLES [The newlywed scribbles]
YEN [Understanding Yen]

ACEY [Tralalalala]
ELLE [My room: Elle's turf]
HONNEY [Just me and my thoughts]
JAZ [ALl that jazz]
JHENSKIE [Looking for my wings so that i can fly again]
JOTJOT [Details of Mediocre]
MARHGIL [Ituloy angsulong]
RALPHT [Kadramahan. Kalokohan. Kakulitan.]
RICHARD [Pulse Circle]
SHADOWLANE [Here I am... This is me]



TAG.





CURRENTLY.

senti.. cryola...
san mig light
nothing
f*king sad
bedroom
magic 89.9
01:47 // 11-NOV-06
no one
nothing
tank top and boxers
kinda hot
bawiin ni beb ang sinabi nya

watch
SMALLVILLE SEASON 1-5
Image and video hosting by TinyPic

music
kami nAPO muna
Image and video hosting by TinyPic

desktop
Image and video hosting by TinyPic


ETC.



my multiply
myspace




*HUGS* TOTAL!
gimme hUg
Get hugs of your own

lurker
counter hits
Books and Magazines


The WeatherPixie

Click here to join rx-talk
Click to join rx-talk

Click here to join BloggerMania
Click to join BloggerMania


THANKS(:

Hosted by Blogspot
Powered by: Blogger
Edited By: chEr
Skin From: Blogskins
Button From: Ceejoy
Tagboard From: Cbox
Calendar: so-youNet
Image hosting:Photobucket & Tinypic

1 2 3

OUR MEMORIES.


COPYRIGHT.

Copyright © 2006-2007
htt://cher-ishable.blogspot.com
All Rights Reserved.