this is my vanity | V0.4

Sunday, October 22, 2006


yabz

May aalis na naman akong kaibigan. Ano ba yan...

Baket nag-aalisan na mga tao? Hehehe akala mo walang plano lumisan ng bansa. Hihihi

O bago yan.. Masaya ako kahapon kase nagkita kame ni Beb. Dalawang linggo rin ah. Pero nakakatuwa kase sobra ako na-excite makita sya. Pero mas excited pa nga ata sya makita ako eh.. Hehehe


oOo YABZ oOo



So ayan, may aalis nga. Nagulat na lang ako nung nalaman ko paalis na to. Kuya kuya ko ito sa mailing list eh.

Yabz, ingat ka! Mami-miss kita, buti na lang may YM.. Or, makakapag-internet ka nga kaya palagi? Hehehe

Nagkita kita kame ngayong gabi sa Makati. Nag-hapunan at nag-kape.

Nakakatuwa, ang saya nilang kasama. Ang sarap ka-kwentuhan. Naaalala ko tuloy, pitong taon na nakakalipas... Palagi kame nagkikita kita para mag-kape, kumain or gumimik. Eto ang mga mahahalay pero matitino kong kapamilya sa RX.

Nakaka-miss mga pagkikita kita namin, nakaka-sad na nagbabago talaga lahat sa paglipas ng panahon. Tumatanda na lahat kaya di na puro tambay lang. Nakaka-sad din na minsan kailangan pa may mga ganitong rason para lang magkita kita kaming muli.

Ayon, nagkita kita sa Starbucks G4, tapos kumain sa Gerry's sa may Park Square 2. At nag Starbucks uli sa GBelt 3 hanggang mag-uwian na. Sa sobrang miss ko sa kanila at sa sobrang nakakatuwang mga pagku-kwentuhan, di ko namalayan hindi ko halos na-text si Beb.

Anyway, masaya ako na malungkot. Masayang nakasama ko sila uli. Malungkot sa pag-alis ng isang malapit na kaibigan.


Mga kuha, dito sa multiply ko.


oOo werner oOo

So, nakita nyo pangalan nya? Hehehe

Ibig sabihin, may nalaman ako. Talaga palang may ibang babae sya. Hmmm

Dalawa raw talaga kame, at mas prioritize ang isa. Nasabi lang ng isang kaibigan.

Wala na saken yon. Tapos na, hiwalay na kame. Kung ano pa malaman ko ngayon habang nung kame pa noon, wala na saken. Hindi ko masabi kung nasaktan pa ako or kung talagang naging numb na rin ako. Pero kahit ano pa yon siguro, hindi na para masaktan pa ako diba?!

Wala naman na ako nararamdaman sa kanya. Di ko to sinasabi para kumbinsihin ang sarili ko o ang ibang tao. Sinasabi ko dahil yon ang totoo. Nung nalaman ko yon kanina, natawa na lang din ako pero kahit papano naging interesado ako sa kwento. Yon kaya yung naka-live in nya? Hehehe

Buti na lang, nasuksok ko na rin sa kukote ko simula ng matanggal ang bakal na helmet ko na, paniguradong may ibang babae sya. Dahil imposibleng wala.

Sana lang talaga, masaya sya ngayon. At sana, mas naibigay nung isa ang hindi ko naibigay. Sana hindi sya pinahihirapan nung babae. At sana mas higit pa ang kayang nyang ibigay kesa sa akin. Pero ang masasabi ko lang, alam kong minahal ko sya ng sobra. Ibinigay ko lahat ang kaya kong ibigay... Hindi ako nagkulang, at di ko sya iniwan sa mga alanganing pagkakataon. Sinuportahan ko sya. At kahit ayaw sa akin ng magulang nya, ni minsan hindi ako nambastos kapag tumatawag ako don na kahit sila mismo, hindi maganda pakitungo sa akin. Siguro nga, mas kasundo lang nila yung isa. Di kaya alam ng pamilya nya may isa pa sya?

Dahil kahit minsan... Walang okasyon or kahit ano pa, hindi ako naimbitahan sa bahay nila. Tinanggap ko naman lahat eh, mga pagkukulang... Salamat na lang talaga kahit late na, natauhan pa rin ako.

Labels: , ,


chEr sribbled @ 12:27 AM

Comments:
naks, strong woman! *apir* tayo jan cher!
 
nkakalungkot tlaga pag may aalis, pero it's part of life eh so tanggapin na lang natin tlga.. sbi nga nla kelangn tyo lahat mag move on..

abt ur X na si W.. isa lang ibg sabihin sis, naka move on kana tlaga! and im happy 4 u! ure better off w/o him... u dont deserve that kind of guy buti na dn na natapos na kyo.. and it looks like ur happy where u are ryt now.. :)
 
i hate goodbyes. =( anyway pag may umalis, may bago namang dadating.

anyway, hay naku, i'm happy that you're happy with ur life. u don't deserve W. =)
 
shai, thank you girl!!! :) *apir*

yen, true.. dami na nag-aalisan sa pinas..

true. salamat kay Beb sa tulong talaga.. buti na lang nandyan sya. kaso, di rin para saken :( waaah baket ganon?

tin, who doesnt? kakainis..

totoo.. kapal nya sa totoo lang. pero ganon talaga, meron pa nga ba lalaking di nagloloko? swerte talaga ng mga nakakakita ng guys na one woman man. pag nakakita ako ng ganon, hinding hindi ko na pakakawalan..
 
kaya pala ate eh..busy daw sa pagrereview diba? haaay..buti nga at natauhan ka talaga kasi kung hindi kawawa ka lang talaga dahil sa pinag-gagagawa ni W..i like your entry/message about kay W parang walang bitterness.. :) saka i know masaya ka na naman ngayon eh.. teehee!
 
ceejoy, oo nga. busy daw.. mukha nya.. hehehe di na ako bitter, wala na saken yon. basta ba masaya na sya ngayon eh. at least diba, wala na syang gf na sobrang sensitive.. hehehe isoli na lang nya yun hiniram nyang thermos ko ng starbucks hahahaha joke..

and yup, happy ako ngayon. salamat sa Beb ko at sa inyong mga kaibigan ko sa blog world :)
 
'Di maiiwasan maging curious sa lagay ng isang ex. Kahit ako nararamdaman ko yun at paminsan-minsan ay interesado ka pa rin. Pero 'di ibig sabihin nun eh meron pang nararamdaman para sa kanya.

What's important is that you have moved on and everything's behind you now. And with what happened to you, you've been strong enough to weather the storm and I'm just so proud that you did.
 
Post a Comment

THE VAIN.

cher

cher

Beb & moi

www.flickr.com
This is a Flickr badge showing public photos from crazysexybeautiful. Make your own badge here.
cher
28... capricorn girl... 122377...
romantic and passionate... talkative... sweet... fun... VAIN... optimist na pessimist... maKULET... moody... sensitive... fussy... gullible... introvert... naughty... tactless...

I LOVE

my mobile.
cooper [my ipod].
trevor [my camera].
my pc.
my BEB.
dolphins.
purple.
the beach.
sunset.
my friends.
ice cream.
steak.

ARGH.

creepy creatures.
joey de leon.
pretentious peeps.



CALENDAR.

July 2007
S M T W T F S
curt bday 2 3 4 5 6 janie bday
8 9 10 raul bday 12 13 14
15 16 abu bday 18 19 20 21
22 23 24 25 26 27 QR with Beb
29 30 31


WISHLIST.

rashguard.
pink PSP.
2nd gen ipod nano or ipod video.


LINKS.

BEYBIKULET [Anything Goes]
KU7ET [CHER-ishable]
BEYBICHER [My Vanity]

ABBY [Abby's Journal]
ANNA [This time I'll be sweeter]
CHILL [Royal Grumble]
DYANNE [There's gotta be more to life than...]
GIO [The weed]
JANIE [A proud of momma's chronicle...]
JAR [Perfectly tarnished]
KRAMER [Here is a star studded sky]
KUX [Kux]
LEIRA [Mushings]
LIEZL [MommyBa's Journey]
MARKIE [Markie's Journal]
REGGIE [Regagainsthemachine]
SHONA [Shonabebe... Flipside]
TEEPSEE [This is my truth, tell me yours...]

24 [This humble endeavor yields an ineviteble ecstasy]
AMGINE [The sanctuary of the Enigmatic Goddess]
CJOY [Glimmeringgirl]
FRANZ [Never say never...]
HANAGIRL [This is my utopia]
HANYNANY [oOoMuahoOo]
ISHIE [The vulnerable coffee addict bratinellah]
JOYCE [My charmed life]
KAI [Eskaipades]
RESPI [Stoicsoul]
RUSS [Gracie]
SHAI [The Sassy Chique]
TIN [Life's a beach...]
TREZE [Free to be me]
YAX [My journey to motherhood]
YAXCDOODLES [The newlywed scribbles]
YEN [Understanding Yen]

ACEY [Tralalalala]
ELLE [My room: Elle's turf]
HONNEY [Just me and my thoughts]
JAZ [ALl that jazz]
JHENSKIE [Looking for my wings so that i can fly again]
JOTJOT [Details of Mediocre]
MARHGIL [Ituloy angsulong]
RALPHT [Kadramahan. Kalokohan. Kakulitan.]
RICHARD [Pulse Circle]
SHADOWLANE [Here I am... This is me]



TAG.





CURRENTLY.

senti.. cryola...
san mig light
nothing
f*king sad
bedroom
magic 89.9
01:47 // 11-NOV-06
no one
nothing
tank top and boxers
kinda hot
bawiin ni beb ang sinabi nya

watch
SMALLVILLE SEASON 1-5
Image and video hosting by TinyPic

music
kami nAPO muna
Image and video hosting by TinyPic

desktop
Image and video hosting by TinyPic


ETC.



my multiply
myspace




*HUGS* TOTAL!
gimme hUg
Get hugs of your own

lurker
counter hits
Books and Magazines


The WeatherPixie

Click here to join rx-talk
Click to join rx-talk

Click here to join BloggerMania
Click to join BloggerMania


THANKS(:

Hosted by Blogspot
Powered by: Blogger
Edited By: chEr
Skin From: Blogskins
Button From: Ceejoy
Tagboard From: Cbox
Calendar: so-youNet
Image hosting:Photobucket & Tinypic

1 2 3

OUR MEMORIES.


COPYRIGHT.

Copyright © 2006-2007
htt://cher-ishable.blogspot.com
All Rights Reserved.